BEASTmode

Ako si Ralph, isang Atenistang Blogger. Kahit na hindi masyadong halata sa akin kung kilala niyo ako, mahilig rin ako sa kulturang Koreano at malaking bahagi nito ang K-Pop at K-Drama. Una akong namulat sa K-Pop noong nahilig ang aking pinsan na babae sa K-Pop. Naging taga-suporta siya ng mga grupo tulad ng Shinee, EXO, Big Bang, at iba pang mga “guy groups” na kinahiligan niya. Kadalasang pinaparinig niya sa akin ang kanilang mga kanta at pinapakitaan ako ng mga sayaw na kanilang ginagawa sa kanilang mga “music video.” Noong simula, nakisabay lang ako sa kanya at tinangkilik ko rin ang mga grupong ito. Ngunit, nakatagpo rin ako ng grupong aking tunay na sinubaybayan at sila ang Beast. Hindi sila masyadong kilala tulad ng mga naunang nabanggit na mga grupo ngunit nagustuhan ko ang kanilang mga kanta at estilo nila sa pagsayaw. Nagustuhan ko ang angas at tindi ng bawat kilos nila. Nagustuhan ko rin ang mga lirikong binibitawan nila kahit hindi ko maintindihan ang mga ito, kaya nabighani ako sa grupo nila. Sumasali rin ang aking pinsan sa mga “cover dance competition” na mayroong pagbuo ng mga tao ng kani-kanilang mga grupo at ginagaya ang mga sayaw sa mga “music video” ng mga paborito nilang K-Pop group. Naging malaki at kilala ang mga kompetisyong ito at buhay na buhay pa rin hanggang sa kasalukuyan. Madalas na pinapanood ko ang aking pinsan sa mga pakikilahok niya at lalong napalalim ang pagkahumaling ko sa K-Pop.

Bukod dito, nagkaroon ako ng kaklase noong nasa ika-sampung baitang ako na naging sikat at kilala sa larangang ito. Wala siyang lahing Koreano pero nagmumukha siyang kalahi nila sapagkat binigyan niya ng pansin ang aspektong ito ng kanyang hitsura upang makahikayat ng mas maraming taga-suporta. Kinilala siya sa pangalang “Chunghee” sa kanyang grupo at nagkaroon siya ng kanyang sariling “fans club” dahil dito. Naging ganito na rin ang aming katawagan sa kanya at pumayag naman siya nang walang pag-aalinlangan. Ibinahagi niya rin sa amin ang kanyang interes at kaalaman pagdating sa larangang ito at naging malaking impluwensya rin siya sa aking interes sa kulturang Koreano. Naging malaki ang impluwensya nila sa akin at sa aking hilig sa K-Pop. Sa kasalukuyan, hindi na ako masyado mahilig sa K-Pop pero hindi ko malilimutan ang aking karanasan sa pagiging fanboy dahil naging masayang parte ito ng aking buhay at mahalagang bahagi ito ng katauhan ko.

christian

 

Sanggunian:

B2ST (BEAST) Members Profile (Updated!). (n.d.). Retrieved from https://kprofiles.com/beast-members-profile/

Kim, D. (2017, October 16). How Highlight Started From BEAST And Got To Where They Are Now. Retrieved from https://www.soompi.com/article/1053637wpp/reminiscing-journey-highlight-started-beast-got-now

 

“Kinain ng Sistema”

Ako si Camille, isang Atenistang Blogger. Sa aking sariling buhay, naranasan ko din ang paglaganap ng kulturang Koreano hindi lang bilang isang taga-saksi, kundi bilang isang tagatangkilik din. Simula pa lamang noong nasa ika-siyam na baitang ako, naging bahagi na ng aking mga interes ang K-drama. Ang naging sanhi nito ang aking mga kaibigan na nagsimulang subaybayan ang mga K-drama. Buhat na madalas ko silang kasama, unti-unti ko ring nagustuhan ang kulturang Koreano sapagkat naimpluwensyahan ako ng aking mga kaibigan at mayroong panghihikayat upang maging punto ito ng pagkawangis. Nang aking sinimulan ang drama na tinatawag na Boys Over Flowers, nagsilbi itong simula ng aking pagtangkilik sa kulturang Koreano. Dahil dito, naghanap pa ako ng iba pang K-drama sapagkat nakaayon ito sa aking mga kagustuhan. Ang iilan dito ang The Heirs, My Love from Another Star, Descendants of the Sun, Uncontrollably Fond, Weightlifting Fairy Kim Bok Joo, Goblin, While You Were Sleeping, at iba pa.

 

Bagaman hindi ako direktang nakikisalamuha sa mga Koreanong mamayanan, naibubunyag sa akin ng K-drama ang kultura ng mga Koreano, kagaya ng kanilang mga tradisyon, ritwal, pananamit, pagkain, lugar, at wika. Sa lalong pagdagdag ng aking pagkakalantad sa K-drama, mayroon ding pagdagdag ng aking kaalaman at paglakip ng mga napupulot kong detalye sa aking sariling buhay.

Higit pa, tuluyang lumawak ang aking interes patungong K-Pop. Kagaya ng aking karanasan sa K-drama, nagmula ito sa impluwensya ng aking mga kaibigan. Bagaman aking inuusisa ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa industriya ng KPop noong una, naging bahagi na rin ako ng mga tagahanga nito. Ipinakilala sa akin ang mga grupong katulad ng BTS at EXO.

 

Mula sa aking paglipat sa K-Pop, hindi na lamang ako nalilimita sa mga kanta sa K-drama, lantad na rin ako sa mismong identidad ng K-Pop bilang mayroong pagsasabay ng pagsayaw at pagkanta.  Dahil dito, mula sa pakikinig lamang sa kanilang mga kanta, akin nang pinapanood ang kanilang mga “dance practice,” “music video,” “comebacks,” at bidyo sa vlive. Hindi ko man kahit kailan inakalang magiging kabahagi ako ng industriyang ito, nagiging patunay ito ng kakayahang bumuo ng isang industriya na mayroong impluwensiya mula sa iba’t ibang kultura ngunit, nagsisilbing punto pa rin ng pagkakaparehas. Kahit na maaaring malayo ang K-Pop sa aking karaniwang panlasa, nakikita dito ang aking lalong pagiging bukas sa ibang kultura at kung gaano kaepektibo ang K-Pop sa pagpapalawak ng mga tagahanga nito. Tunay na nagiging anyo ng pagbibigay-aliw ang mga ito kahit na maaaring tanging ginawa para lamang sa mga Koreano.

 

Sanggunian: 

‘Goblin’ Poster | GOBLIN ❤ in 2018 | Pinterest | Korean drama, Goblin korean drama and Drama. (n.d.). Retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/849280442203824568/?lp=true

EXO will “reunite” with the ex-members in the future? (n.d.). Retrieved from https://kbizoom.com/exo-will-reunite-with-the-ex-members-in-the-future

Jual Poster Descendants of the sun 50x70cm KEAH52 di lapak Poster Premium pusatposter. (n.d.). Retrieved from https://www.bukalapak.com/p/hobi-koleksi/koleksi/pajangan/m3qb7d-jual-poster-descendants-of-the-sun-50x70cm-keah52

My Love from the Star. (2018, November 16). Retrieved from https://en.wikipedia.org/wiki/My_Love_from_the_Star

Official posters for ‘The Heirs’ revealed! (Daily K Pop News). (2013, October 7). Retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/457185799649413508/?lp=true

Over 100 donations for comfort women victims are made by BTS fans following Jimin’s shirt controversy. (n.d.). Retrieved from https://www.allkpop.com/article/2018/11/over-100-donations-for-comfort-women-victims-are-made-by-bts-fans-following-jimins-shirt-controversy

TV Review: Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. (2017, March 06). Retrieved from https://ahundredthousandstories.wordpress.com/2017/03/06/tv-review-weightlifting-fairy-kim-bok-joo/

While You Where Sleeping (drama coréen). (n.d.). Retrieved from http://www.sametlesdramas.fr/while-you-where-sleeping-drama-coreen-a146699868

함부로 애틋하게 OST Vol.1. (29, July 2016). Retrieved from https://www.melon.com/album/detail.htm?albumId=2700927

K-Pop: Ang Ibang Anggulo

Ang “Hallyu” o mas kilala sa tawag na “The Korean Wave” ay ang pandaigdigang pagkalat ng kulturang Koreano sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula noong 1990s. Matagumpay na nakapasok ang Hallyu sa ating bansa noong taong 2003. Ipinalabas ang mga naunang “K-Drama” sa mga telebisyon at nakilala ang mga ito sa tawag na “Koreanobelas” na kadalasang pinapalabas tuwing “primetime” sa iba’t ibang estasyon tulad ng GMA, ABS-CBN, at TV5. Sa iba’t ibang uri ng libangan at palabas na sumikat dito sa ating bansa, ang pangunahing diskarte ng mga ito ang “beauty attracts” o ang paggamit sa kagandahan bilang pang-akit sa masa, at dahil dito maaari ring mabansagan na pabebe ang mga personalidad na nakapaloob sa mga ito.

Kasabay ng pagpasok ng mga Koreanobela sa ating bansa, sumikat din ang mga Koreano sa larangan ng musika dito sa ating bansa. Naging lantad ang “genre” ng “Korean Pop” o “K-Pop” sa ating bansa. Naging kilala ang mga grupo tulad ng Super Junior, Shinee, Girls’ Generation, Big Bang, at Wonder Girls sa ating bansa.

Sumikat rin ang 2NE1 sa ating bansa at malaking dahilan dito ang pagiging parte ni Sandara Park sa kanilang grupo. Si Sandara Park ay isang Koreano na lumipat mula sa Korea mula sa batang edad at tumira dito sa ating bansa. Nagsimula siya sa industriya noong sumali siya sa “Star Circle Quest” noong taong 2004. Mula noon, nagkaroon siya ng iba’t ibang mga proyekto dito sa ating bansa na naging dahilan ng kanyang kasikatan at pagkakaroon ng katawagang “Pambansang Krungkrung ng Pilipinas.” Bumalik siya sa Korea noong 2007 at naging parte ng “Korean girl group” na 2NE1. Kinilala at tinangkilik sila ng mga taga-suporta sa iba’t ibang bahagi ng mundo lalo na dito sa Pilipinas dahil sa kasaysayang mayroon si Sandara sa ating bansa. Naging malaking dahilan ng kanilang kasikatan ang kanilang abilidad sa pagkanta at pagsayaw. Kahit hindi naiintindihan ng masa ang kanilang mga liriko, nakabuo pa rin sila ng mga kanta at sayaw na sinundan at paulit-ulit na pinakinggan ng mga Pilipino. Maaari rin siguro nating masabi na nakadagdag ang kanilang pagiging pabebe sa pag-akit at pagpaparami ng kanilang mga taga-suporta dahil ginamit nila ang kanilang kagandahan upang umapela at mabigyang pansin ng mga tao. Sa ganitong kadahilanan, madalas na naiuugnay ngayon ang pagiging pabebe sa genre ng K-Pop dahil isa ito sa mga aspektong binibigyang halaga ng kanilang industriya upang patuloy na maparami ang “fanboys” at “fangirls” ng iba’t ibang mga grupo.

Nagsimula naman ang salitang pabebe noong 2015 nang maging viral sa social media ang bidyo ng isang babaeng nagngangalang Mary Elias na kumakain ng mamon. Tungkol sa kung paano nagkakaiba ang pagkain ng mamon ng mga mayayaman, mahihirap at ng kanyang sarili ang bidyo na kanyang ginawa. Sa bandang huli ng nasabing bidyo, gumawa pa siya ng “cover” ng isang “pop song” na sikat sa panahong iyon. Nakita ng mga netizens ang kanyang video at nabwiset at naines sa kaartehan at pagmamaganda niya. Dahil dito, nabansagan siyang Pabebe Girl at Neneng Mamon ng mga netizens. Mula noon, ito na ang madalas na ginagamit ng mga tao, hindi na lamang ng mga netizens kundi pati na rin ang mga regular na mamamayan, upang ilarawan ang mga taong ganito kung kumilos at umasta. Sinundan pa ito ng bidyo ng pabebe girls na naging dahilan upang maging mas talamak pa ang terminong ito sa masa.

Naging sikat naman ang “pabebe wave” na isang uri ng pagiging pabebe na mayroong pagkaway ng isang tao na parang “beauty queen.” Unang pinasikat ito sa palabas na Eat Bulaga at pinasikat ito ng tambalang AlDub. Naging isang pambansang penomena ang pabebe wave at umabot sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Umabot ito sa puntong nagkaroon pa ng National Pabebe Wave Day at ginawa ito ng sari-saring indibidwal na iba’t iba ang kinagisnan. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring ginagamit ang salitang ito at madalas na ginagamit ito sa puntong naging karaniwang bokabularyo na ito para sa masa.

Ngayon, paano nga ba natin masasabi na pabebe ang K-Pop?

Sa paglipas ng mga “trends” sa K-Pop, nakaranas tayo ng iba’t ibang imahen na binigyang pokus ng karamihan sa mga grupo na naging sikat at binigyang diin ng industriya upang makaakit ng mga fanboy at fangirl na makisabay sa mga ito. Ang pagiging pabebe o pa-cute ang isa sa mga “trends” na nagdaan at patuloy na makikita sa kasalukuyang estado ng K-Pop. Isa ito sa mga binigyang diin ng iba’t ibang grupong naging lantad dito sa ating bansa. Higit na madalas mangibabaw ito sa mga “girl group” dahil kadalasang binibigyan ng hindi kinakailangang sekswalisasyon ang mga babaeng bahagi ng mga grupong ito. Mapapansin ang pa-cute o pabebeng galawan ng mga “girl group” sa “music video” ng Wonder Girls na “Nobody.” Makikita dito na mula sa kanilang kasuotan, ginagawang lantad ang kanilang pangangatawan hanggang sa kanilang mga kilos na nakatuon din sa pagpapakita ng kagandahan nila, mayroong “male gaze” na binibigyang halaga ang bawat aspekto ng kanilang pagtatanghal. Isang pang halimbawa nito ang kantang “Gwiyomi” ni Hari. Kapag isinalin ang salitang Gwiyomi sa Ingles, ang literal na kahulugan nito ay “cute.” Sa kabuohan ng sayaw nito na naging isa sa mga pinaka-sikat na trend noon, walang naging ibang layunin ito kung hindi ang maging pabebe o pa-cute.

wonder girls gif

Nagiging lantad rin ang pagiging pabebe ng mga lalaki at babae na parte ng mga K-Pop groups dahil sa mga “Korean variety show.” Sa mga palabas na ito, sinusubukang hulihin ng kamera ang mga pagkakataong nagiging pabebe ang mga sumasali sa mga palaro at ipinapakita ito sa masa upang maakit sila na subaybayan ang palabas. Madalas na ginagawa ang mga palabas na ito para magbigay aliw sa masa at patawanin sila sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga idolo nila na gumagawa ng iba’t ibang kakaibang gawain at palaro.

varietykpop

Hindi lamang nakaangkala ang pagiging pabebe sa ugali ng mga Korean idols, nasasalamin din ito sa kanilang pisikal na anyo. Maputi, matangkad, at mapayat, dahil sa mga katangiang ito, tunay na nagiging epektibo ang kanilang intensyon na magpa-”cute” o maging pabebe. Halimbawa ng mga pangkat na nagtataglay ng mga katangiang ito ang TWICE, Red Velvet, BLACKPINK, at Momoland.

Buhat na ang kadalasang naaapektuhan ng intensyong ito ang kabilang kasarian, nagiging lantad ang mga ideyal na katangiang hinahanap ng mga lalaki sa kababaihan. Mayroong nalilikhang pamantayan na nagpapakita ng mga aspektong tinatanggap ng lipunan bilang “maganda,” kaya’t naiimpluwensiyahan ang mga indibidwal na tratuhin ang mga ito bilang huwaran na kinakailangang pantayan. Sa pagkakaroon ng ganitong paniniwala, nagiging litaw ang realidad ng pagtingin sa kababaihan bilang isang bagay. Karagdagan dito, ating mapapansin na mayroong takdang pananamit at ayos ang mga “Korean idols,” tunay silang nagiging katangi-tangi sa ibang pangkat at kanilang nalilikha ang sariling identidad batay sa pisikal na anyo. Kahit hindi man bahagi ng mga taga-hanga ng K-Pop, nagiging pamilyar pa rin para sa kanila ang mga “Korean idols” dahil mayroon nang itinakdang impresyon at imahen ang mga Koreano. Ngunit, kung susuriin ang kanilang binuong imahen, nagiging lantad pa rin ang kanilang intensyon na umapela sa mga lalaki sapagkat ang kanilang kadalasang suot ay ang mga maiikli at masisikip na damit. Mula dito, ating mahihinuha na bagaman bahagi ito ng kanilang identidad bilang mga Koreano, mayroong pagsasaprodukto sa kababaihan. Ginagamit ang binuong identidad at ang kanilang pisikal na anyo bilang estratehiya upang tunay na makaakit ng masa at hikayatin silang itangkilik ang K-Pop.

Nakikita ang gawaing ito sa mga “music video” ng mga lalaking Koreano na artista. Gaya na lamang ng tanyag na indibidwal na si Psy, makikita sa kaniyang music video ng kantang “Gangnam Style” ang isang eksenang mayroong mga “nagyoyoga” na kababaihan at kaniyang pinagmamasdan ang kanilang mga balakang. Ginagamit ang mga babae upang bigyang kasiyahan ang mga sekswal na pagnanais ng mga lalaki. Ang isa pang halimbawa ang “music video” ni Jay Park ng kantang “Mommae”  na nangangahulugang “body” sa Ingles o “katawan.” Hindi lamang makikita sa bidyo ang pagsasaprodukto sa kababaihan sa pamamagitan ng kanilang mga maiikling damit, makikita din ito sa mga koreograpiya ng kababaihan na mala-sekswal at ang kanilang pagyakap kay Jay Park. Mapapansin din na sa kabuuan ng bidyo, mayroong paglaan ng pokus sa mga bahagi ng katawan ng mga babae upang bigyan ng pagdiin at tunay na umapela sa kalalakihan.

Sa kabilang dako, hindi natin dapat hamakin ang mga karanasan at pananaw ng kalalakihan sa usaping ito. Bagaman higit na litaw ang realidad ng pagsasaprodukto sa kababaihan, namamayani rin ito sa buhay ng mga lalaki. Kadalasan, matangkad, mapayat, batak o mayroong “abs” ang mga katangian ng mga lalaking “Korean idols.” Buhat nito, nagsisilbing huwaran din ang mga katangiang ito, maaaring nagsisilbing pabigat ang mga ito sapagkat inaasahan ng lipunan na katawanin ang mga ito ng mga lalaki.  Bukod dito, binubuo ang mga koreograpiya na mayroong pagsama ng mga tinatawag na “ab flashes” at “hip thrusts.”

Sa tulong ng pagdagdag ng mga aspektong ito, higit na napapansin ang intensyong gamitin ang katawan bilang isang produkto upang makaakit ng masa. Bagaman hindi gaanong litaw, isang katotoohanan na nagiging salik ang mga pamantayang ito sa pagkakaroon ng problema sa kalusugan. Sinasabi na ang mga “Korean idols,” buhat na gusto nilang bigyang kasiyahan ang kanilang mga tagahanga, pinipili nilang ilagay ang pagpapanatili ng katawan bago ang sariling kalusugan. Kaya, kahit na nakapagbibigay ang mga ito ng aliw, marapat na punahin ang ibang implikasyon ng industriyang ito. Kinakailangang pansinin na tuluyan na itong nagiging uliran, at nakatutulong sa pangingibabaw ng mga estereotipya sa ating lipunan. Ang ating pagtanggap sa gawing ito ay nagiging simbolo ng ating pagtanggap sa umiiral na patriyarkang lipunan at ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kasarian.

Bagaman inisyal na ginawa para sa mga Koreano ang K-Pop, tuluyang lumawak ang bilang ng mga tagatangkilik nito. Kahit sa ating bansa, madaling mapapansin ang mabilis na pagyakap ng mga Pilipino sa kulturang Koreano.  Hindi na lamang nalilimita ang ating paghanga sa kanilang kultura sa pamamagitan ng pagsubaybay sa K-Pop, mayroon na ring pag-usbong ng mga panibagong anyo katulad ng pagkakaroon ng mga Koreanong produkto gaya ng mga pampaganda o “makeup” at mga damit, at pati na rin ng mga pagsasaprodukto ng industriyang K-Pop gaya ng paggawa ng mga produktong may inspirasyon mula sa mga “Korean idols.”

Ang pagkakaroon ng ganitong industriya ay nagiging salamin ng mithiin ng mga Pilipino na gayahin ang mga Koreano. Pinapatunayan nito na nakikita ang mga Koreano bilang mga ideyal na indibidwal, kaya’t kasabay ng paghanga, ang kagustuhang umayon sa kanilang mga katangian. Bukod dito, nagiging usapin na rin ng konsumerismo ang ating pagyakap sa kanilang kultura. Bahagi na rin ng ating paghanga, mayroong nabubuong nosyon na higit na maipapakita ang suporta kapag mayroong pagbili ng kanilang mga produkto. Dahil dito, nahihikayat ang mga tao na bumili ng kanilang produkto upang magbigay suporta at bilang isang tangka ng paggaya sa kanila. Kaya’t, sa lalong paglaganap ng kulturang Koreano sa ating bansa, mahalagang alalahanin ang mga implikasyon ng ating pagtangkilik dito upang hindi magdulot ng mga marahas na epekto sa ating pagtingin sa ating sarili, at tunay na mabago ang nakagisnang kultura ng lipunan tungo sa isang kulturang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian.

 

Sanggunian:
(2017, March 12). Female Objectification In Kpop!!! | K-Pop Amino. Retrieved from        https://aminoapps.com/c/k-pop/page/blog/female-objectification-in-kpop/jqIK_u86pr5qN5am8aVEwo5KrKXpb3

Gani, A. (2015, October 30). Pabebe: What is the Filipino craze that has gone viral online? Retrieved from https://www.theguardian.com/world/2015/oct/30/pabebe-what-is-filipino-craze-gone-viral-online

Hoi, A. (2013, March 20). The Beauty Standards In K-pop? Retrieved from https://www.lipstiq.com/2013/40481/the-beauty-standards-in-k-pop/

Park, J. (2016, November 29). Sexualization and Objectification of Women in K-Pop. Retrieved from https://lookinginthepopularculturemirror.wordpress.com/2016/11/29/sexualization-and-objectification-of-women-in-k-pop/

Patnugot, V. (n.d.). Who is Pabebe Girl? Her True Story. Retrieved from http://pinoynewsblogger.blogspot.com/2015/05/who-is-pabebe-girl-her-true-story.html

(2017, June 05). Sexism and Objectifying in Kpop. | K-Pop Amino. Retrieved from https://aminoapps.com/c/k-pop/page/blog/sexism-and-objectifying-in-kpop/R6Iw_uwVY07dPW3M061avpvW76xdQQ

Villano, A. (2009, November 15). The Korean pop invasion. Retrieved from https://www.philstar.com/entertainment/2009/11/15/523175/korean-pop-invasion

Who are the ‘Pabebe Girls?’ (2015, July 18). Retrieved from https://www.rappler.com/entertainment/news/99732-pabebe-girls-vice-gand

Who is Sandara Park? Everything You Need to Know (2017, September 20). Retrieved from https://www.thefamouspeople.com/profiles/sandara-park-33953.php

Sanggunian para sa mga larawan

24/7 with EXO #전지적매니저시점. (2018, November 15). Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=pQ4pH2VIn6o

[GIRLS GENERATION NEWS] What’s Next for the 5 Members? (2017, October 15). Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=938zOWLrfXU

A antropológica experiência de morar em Dubai: Músicas. (2013, February 02). Retrieved from https://danrodrigues.wordpress.com/2013/02/02/a-antropologica-experiencia-de-morar-em-dubai-musica/

Caitlyn Hailey. (n.d.). Retrieved from https://xo-caitlyn13.tumblr.com/

Fake Love GIFs. (2018, May 17). Retrieved from https://tenor.com/search/fake-love-gifs

Jay Park released provocative 19 MV for track ‘MOMMAE’ Buzzfeed Reaction Video. (2015, May 22). Retrieved from https://akpopworld.wordpress.com/2015/05/22/jay-park-releses-provocative-19-mv-for-track-mommae-buzzfeed-reaction-video/

Lotte under fire for leasing space to Mumuso. (2018, October 05). Retrieved from https://insideretail.asia/2018/10/05/lotte-under-fire-for-leasing-space-to-mumuso/

Momoland’s cute School looks on route to Music Bank Rehearsal. (2017, September 15). Retrieved from https://www.koreadispatch.com/2017/09/15/momolands-cute-school-looks-on-route-to-music-bank-rehearsal/

7 must-watch Korean variety shows. (2018, April 09). Retrieved from https://www.sbs.com.au/popasia/blog/2018/04/09/7-must-watch-korean-variety-shows

Ong, M. (2017, July 10). QC event unites Pinoy K-pop fans. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/entertainment/07/10/17/qc-event-unites-pinoy-k-pop-fans

Punzalan, B. (2017, December 20). The Five Shining Boys of SHINee – THREAD by ZALORA Philippines. Retrieved from https://thread.zalora.com.ph/the-five-shining-boys-of-shinee-69a8faadca16

Reactions to Jay Park’s racy new MV “MOMMAE”. (2015, May 22). Retrieved from https://www.sbs.com.au/popasia/blog/2015/05/22/reactions-jay-parks-racy-new-mv-mommae

Red velvet. (2015, November 5). Retrieved from https://favim.com/image/3525474/

Roque, R. (2014, March 9). PH KPop Convention 5 – A Huge Success [★]. Retrieved from http://www.katalinarosario.com/2013/12/ph-kpop-convention-5-huge-success.html

Sarmiento, D. (2014, June 18). Pisceanrat. Retrieved from http://pisceanrat.blogspot.com/2014/06/cna-korean-accessory-store-opens-in.html

So Hot by the Wondergirls (원더걸스): Lyrics, Translation, & Explanation. (2011, February 13). Retrieved from https://thegrandnarrative.com/2011/02/13/so-hot-wondergirls-lyrics-translation/

Timbreza, S. (2017, July 24). YOYOSO Philippines at Robinson’s Las Piñas. Retrieved from https://musingsofasuzie.blogspot.com/2017/07/yoyoso-philippines-at-robinsons-las-pinas.html

YG LIFE | BLACKPINK Takes a Cute Selfie Celebrating … (27, November 2016). Retrieved from http://www.yg-life.com/archives/82616?lang=en

【TWICE特集】有名人だってTWICEに夢中!?芸能人のTTポーズまとめ❤️ – ページ 2 / 5. (2017, December 25). Retrieved from https://bebe.jpn.com/95099/2